Karanasan bilang isang studyante
Karanasan bilang isang studyante;
Ang aking buhay bilang estudyante ay nagiging mas challenging habang tumatagal bilang isang mag-aaral ng senior high Grade 11, marami na 'kong karanasan simula palang noong naguumpisa ako bilang isang kinder.
Hinding hindi ko makakalimutan sa aking buhay studyante ay ang pag gawa ko ng mga takdang aralin at kinabukasan ay babasahin bawat isa sa harap ng klase. Masaya dahil habang maaga pa ay sinasanay na kami ng aming guro na maging malakas ang loob na magsalitang mag isa sa harap. Kinakabahan ako noong una pero unti-unti ring nasanay kalaunan.
Naalala ko pa noon habang ako'y nasa ikaanim na baitang. Sumama ako sa paligsahan sa tula dahil buwan ng wika.
Halos araw araw kong iginugugol ang aking oras sa pagbabasa para makabisado ko ang aking itutula sa taas ng stage. At para makakuha ako ng certificate bilang pagkapanalo kahit nasa ikatlo lamang.
Nang dumating ang araw na iyon. Sobra sobra ang aking kaba ng matapos na ang aking ibang kalaban na tumula sa taas ng stage kung saan maraming nanonood na studyante at guro, pati na rin ang mga magulang na nanonood para sa kanilang mga anak. Kasama na roon ang aking ina.
Nang ako na ang sumunod ay sobra sobra ang kaba sa aking dibdib habang paakyat ako sa stage. May pumapalakpak pero parang tibok lang ang aking puso ang aking naririnig sa mga oras na iyon dahil sa lakas.
Masaya ako dahil hindi ko nakalimutan ang aking kinabisadong tula nang matapos ko iyon. Hindi gaya ng iba kong kalaban na nakalimutan nila ang ibang stanza.
Nakahinga ako ng maluwag nang makababa ako. Tinignan ko ang aking ina na nasa labas ng gate habang nakatingin sa akin na may nakaukit na ngiti sa kanilang labi.
Nang sabihin na nila ang tatlong nanalo ay nalungkot ako nang hindi nabanggit ang aking pangalan sa mga nanalo. Pero hindi naman ako umiyak dahil alam kong hindi pa rito natatapos ang pwede kong samahang contest, marami pang susunod. At kahit hindi man pinalad ay masaya parin ako dahil andyan ang aking ina'ng nakangiti habang nanonood akong tumutula sa maraming tao.
Nang magtapos ako ng elementarya doon ako mas lalong nagising sa katotohanan na hindi lahat ginagawa ko noong nasa elementary palang ako ay pwede ko paring gawin sa junior high. Katulad na lamang ng makapaglaro ng tumbang breso, habulan sa aking mga kaklse at kung ano ano pang laro. Nakakalungkot dahil hanggang baliktanaw na lamang ako sa mga ginagawa ko noong bata.
Mas naging kasundo ko rin ang mga kabatch ko noong elementary ngayong highschool na at masasabe kong napakabait talaga nilang lahat. Lalong lalo na ang mga kaibigan ko ngayon na laging andyan para bumili ng pagkain tuwing walang baon kapag recess, yung kahit hindi mo na banggitin sa kanilang ilibre ka nila ay parang sanay na sila sayo dahil pagbalik nila galing sa pagbili ay may nakalaan ng pagkain para sayo.
Hindi ko talaga inaasahan na sila ang magiging sandalan ko pagdating ng araw, dahil naalala ko pa noon na isa sila sa mga nakaaway ko dahil lang sa maliit na hindi pagkakaintindihan. Kaya sobrang saya ko nang maging parte sila ng aking buhay ko ngayon. May nangyayari mang tampuhan pero hindi rin nagtatagal yun dahil alam naman naming lahat na hindi kami magkakaayos kung hindi kami maguusap ng mahinahon. May mga kaibigan mang umalis para magaral sa gusto nilang paaralan ay hindi parin naman sila nakakalimot na sumama tuwing may gala o okasyon sa isang bahay sa aming magkakaibigan. Kahit may mga bago ng mga kaibigan ay matatag parin ang aming samahan.
Marami na kong karanasan bilang isang studyante sa higit na sa labing dalawang taon na kong nag aaral ay masasabe kong marami na rin akong napagdaanan na hindi ko sinukuan kaya ako andito ngayon sa harap nyo na nagsheshare ng aking kwento.
Karanasan ko bilang isang studyante ay yung umiyak dahil mababa ang aking marka sa pagsusulit, umiiyak dahil nagreview naman pero mababa parin. Makipag away sa ibang studyante pero di naman umaabot sa tatawagin kami ng aming guro para kausapin sa office. Makapunta sa iba't ibang paaralan dahil nakakasama ako sa mga ilalaban. Hindi man pasok ay masaya parin dahil naranasan ko ang mapabilang sa mga ganun.
Pero alam kong lahat ng mga karanasan ko ay walang wala sa mga karanasan ng ibang tao na mas naging mahirap ang kanilang pinagdadaanan noon at ngayon hindi tulad ko na simpleng karanasan lang.
Alam kong napagdaanan nyo na rin ang mga naging karanasan ko bilang isang buhay studyante. Hindi man kasing bigat at mahirap ang naging karanasan ko ay masaya na ko dahil nakaya ko ang lahat ng 'yun at nalagpasan kaya masasabe kong proud ako sa aking sarili.
Sa ngayon makikipalakpak muna ko sa mga success ng iba. Habang nagsisikap pa ko para sa aking sarili kung paano ko ito ipapanalo. Lagi akong masaya sa mga taong natupad na ang kanilang mga pangarap at iba naman ay unti unti nang natutupad. At para sa akin lahat tayo ay deserve na maabot ang ating bawat pangarap na gustong makamit ng ating mga mahal sa buhay. Alam kong gusto lang nating magkaroon ng maayos na buhay. Kaya let's support each other, magtulungan tayo kesa maghilaan pababa.
Kaya magsusumikap akong mag aral ng mabuti upang makamit ko ang aking gustong kursong pangarap.
Comments
Post a Comment